Mala mansyon na tahanan ng Team Kramer, nagmistulang resort dahil sa kanilang napakagandang garden area

Lahat tayo ay nag hahangad ng magandang bahay at masayang pamilya, lahat nga ito ay meron ang pamilyang Kramer. Ibinahagi ni Doug Kramer sa kanyang Instagram account ang bagong mga desenyong makikita sa kanila mala palasyong bahay.

Credit: @dougkramer Instagram

Makikita rito ang napaka gandang desenyo ng kanilang mas pinagandang bahay lalo na sa labas nito. Sabi ni Doug, ito raw ay naisip ng kanyang asawa na si Cheska. Makikita rito ang napaka laki at k@@kit @kit na swimming pool na kung saan napapalibutan ito ng mga ilaw.

Credit: @dougkramer Instagram

Kitang kita ang napaka aliwalas na tanawin mula sa kanilang bahay, lalo na sa kanilang labasan. Ibinahagi din ni Doug na nag dagdag sila ng koi pond, hinangaan ni Doug ang kanyang asawa sa mga naisip nitong mga desenyo sa labas ng kanilang bahay.

Credit: @dougkramer Instagram

Ito nga daw ang paborito nilang tambayan ng kanilang pamilya, kasama ang mga anak nila na si Kendra, Scarlett at Gavin lagi sila nag titipon tipon dito upang mag kwentuhan at kumain. Meron silang kainan sa tabi ng swimming pool.

Credit: @dougkramer Instagram

Nabangit din ni Doug na ito ang dating playgound ng mga anak niya, ngunit mas gumanda daw ito ng dagdagan nila ito ng mga ilaw at bbq grill sa gilid nito. Mas napapakibabangan nga daw nila ito ngaun dahil sa mga pag babago na ginawa nila. Inaasahan ni Doug na mag karon silang pamilya ng mas maraming pang masasayang ala ala sa paligid ng kanilang bahay.

Credit: @dougkramer Instagram

Karamihan ng mga nag kokomentong mga taga hanga ng sikat na pamilya ay pinupuri ang napakagandang tahanan. Kinukumpara nila ito sa isang hotel. Nag komento din si Kendra ang panganay nilang anak na ito na daw ang kanyang paboritong lugar sa kanilang bahay.

Credit: @dougkramer Instagram

Namangha din ang mga personalidad at kapwa nila artista sa napaka garbong bahay nila, isa na rito si Karen Davilla na kung saan ay napa “wow” sa kanyang komento.

Credit: @dougkramer Instagram

Lahat talaga ay mapapa wow dahil ang kanilang bahay hindi lang sa labas maganda at garbo, meron silang elevator sa loob ng bahay at napaka laking sala. Makikita din sa kanilang ibinahaging youtube video ang kanilang napaka lawak na kusina at talaga namang nakakamanghang mga kagamitan sa loob ng kanilang tahanan.

Credit: @dougkramer Instagram

Napaka blessed talaga ng pamilyang Kramer, kaya naman marami ang humahanga sa kanilang nabuong pamilya. Kitang kita ang pag mamahal ni Doug kay Cheska na palagi nitong pinaparamdam sa mga surpresa nito sa asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)

Maging ang kanilang mga anak ay lumalaking mabubuting bata sapagkat nagagabayan sila ng kanilang mabubuting mga magulang.

The post Mala mansyon na tahanan ng Team Kramer, nagmistulang resort dahil sa kanilang napakagandang garden area appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments