Child actress na si Elijah Alejo, nakatanggap ng Academic Excellence Award sa eskwelahan

Pag tayo ay nag aaral, isa sa mga gusto natin ay ang maabot natin ang nais natin na maging. At sa pag aaral alam natin para maabot ito ay may kaakibat ng sipag at talino. Kung kaya pag may natatanggap ka na mga parangal isa na itong pahiwatig na papalapit ka na nang papalapit sa mga pinapangarap mong maging ikaw balang araw.

Credit: @itselijahalejo Instagram

Sa maliliit man na bagay, nasasalamin ang ugali ng isang tao at makikita ang magiging hinaharap nito kung paano nya harapin ang bawat responsabilidad.

Binandera ni Elijah Alejo ang kanyang certificate of recognition kung saan ay nakasulat ang “Academic Excellence Award”. Proud na proud nga na hawak hawak ng Kapuso star ang isang papel habang nag selfie. Pinatunayan nga ng batang aktres na ito na sya ay isang talented at excellent student. Makikita nga na sobrang saya ni Elijah habang suot din ang medalya mula sa award na ito.

Credit: @itselijahalejo Instagram

Ang teen actress ay nakatanggap ng Academic Excellence Award with Honors for School para sa taon na 2021 – 2022. Natanggap nya ang recognition na ito mula sa Manila Central University. Sabay sabay nating sabihin, Deserve!

Credit: @itselijahalejo Instagram

Marami naman sa mga netizen ang nag paabot ng mga pagbati sa naabot ng dalaga, “All glory and honor belongs to Him👆”, “Congratulations 🎊👏 Miss Elijah”, “Congratulations and God bless you Elijah ❤❤❤” at marami pang iba.

Credit: @itselijahalejo Instagram

Umabot na nga sa 45 thousands and counting reacts ang nasabing larawan. Si Elijah Christian Ong Alejo ay isang Filipina teen actress. Sya ay kilala bilang k0ntrabida sa palabas na Prima Donnas bilang si Brianna.

Credit: @itselijahalejo Instagram

Noong April 2020, nang sya ay nag sulat ng kanyang unang Wattpad novel na pinamagatan nyang “Unexpectedly In Love.”

Credit: @itselijahalejo Instagram

Tunay na ang lahat ng magagandang bagay ay maaring mangyari sa mga nagsusumikap habang nag e-enjoy na gawin ang mga malilit na bagay na may sinop. Maging gaya nawa tayo ni Elijah na patuloy na ginagawa ng buing sinop ang anumang ihain sa kanyang Gawain, mapa school pa man yan o pag arte o anumang hatid ng showbusiness.

Credit: @itselijahalejo Instagram

Dahil dito nagmumula ang pagbuo ng karakter sa tunay na buhay.
Sa huli isang pagbati para sayo Elijah Alejo! Congratulations, mabuhay ka!

Credit: @itselijahalejo Instagram

The post Child actress na si Elijah Alejo, nakatanggap ng Academic Excellence Award sa eskwelahan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments