Kilalanin ang pangatlong anak ni Dimples Romana na si Baby Elio

Sa wakas! Tapos na ang ating pag iintay. Ang aktres na si Dimples Romana ay nanganak na nga kay Baby Elio. Makikita nga sa kanyang Instagram post ang update patungkol sa kanyang pagbubuntis, at tila pa nga hindi nanganak itong si Dimples dahil ang blooming nito na parang hindi ito dumaan sa pag labour at panganganak.

“Hi, Elio 😍 SURPRISE” sulat nya sa kanyang caption.

Credit: @dimplesromana Instagram

Makikita nga na hawak ni Dimples ang kanyang anak habang nahimbing ito sa kanyang tabi, ngiting ngiti naman ang mommy Dimples na tila wala ngang pagsidlan ang saya ng successful delivery ni Elio.
Marami naman ang bumati sa mga kakilala at mga fans nito,

Credit: @dimplesromana Instagram

“Awwwww congratulations sis and to the family” sabi ni Vina Morales, “Congratulations Mars!!!!!!” komento ni Anne Curtis at marami pa ngang iba gaya nila Melissa Gohing, Bianca Gonzales Intal, Danica Pingris, Jackielou Blanco, Iza Calzado, Lorna Tolentino at ilan pa na talagang nag paabot ng kanilang pagbati kay Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

At matapos nga nito ay makikita nga na talagang sobrang thankful ng aktres dahil sa pagdating ng kanyang anak, at nag post pa nga ito ng mga update na palabas na sila nitong June 25,

Credit: @dimplesromana Instagram

“Someone’s coming out of the hospital today” sabi ni Dimples sa kanyang post habang hawak ang kamay ng anak sa larawan. “Sometimes the smallest things take up the most room in your heart” dagdag nya pa sabay tawag sa kanyang anak na “my little rain of sunshine”.

Credit: @dimplesromana Instagram

Ang mga sumunod ngang mga post nito ay patungkol na lahat sa kanyang bagong silang na anak, at makikita doon na talagang buong pamilya ay masaya sa pagdating ni Baby Elio.

Credit: @dimplesromana Instagram

Tunay na walang tutumbas sa pamilya, dapat nga lang talagang pahalagahan ang bawat segundo kasama sila, at gaya ni Dimples isa ito sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya, ang sabihin kung gaano sya ka thankful sa mga bagay gaya ng pagbigay sa kanya ng blessing na ito, at yun ay ang pagkakaroon muli ng panibagong anak, at panibagong myembro ng kanilang pamilya.

Credit: @dimplesromana Instagram

Wag natin sayangin, at atin din sabihin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano tayo nagpapasalamat sa kanilang buhay.

Credit: @dimplesromana Instagram

The post Kilalanin ang pangatlong anak ni Dimples Romana na si Baby Elio appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments