Tignan ang simple ngunit napakagandang birthday celebration ni Baby Felize

Parang kailan lang nang mabigla ang lahat nang ibalita sa atin ng couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na sila ay mayroon ng baby. At kamakailan lang, ay nagdiwang ng masaya at simpleng first birthday celebration ang kanilang unica hija na si Felize.

Credit: @elissejosonn instagram

Sa isang IG post, isa daw sa mga plano nila para sa birthday ni Felize ay isang vacation trip kasama ang pamilya. Isa sa mga ginawa ni McCoy ay isang chocolate cake sa mismong araw ng kanyang birthday.

Ayon kay Mccoy, ginawa niya ito para malaman daw ni Felize na kaarawan niya sa mismong araw na iyon.

Credit: @elissejosonn instagram

“Alam ko mayron tayong selebrasyon at bakasyon sa malayong lugar para mapasaya ka namin anak. Pero gusto ko lang rin malaman mo na ngayon eksaktong oras ng kaarawan mo. Naghanda ako ng munting salo salo para mapasaya ka namin sa simpleng paraan, walang ayos, walang kahit ano,” lahad ni McCoy.

Credit: @elissejosonn instagram

Masayang masaya silang mag-asawa na nakikita ang kanilang anak na nakangiti, at masaya sa kanyang kaarawan. Parang sila daw mismo ang nagdiriwang ng kaarawan.

Credit: @elissejosonn instagram

“Basta ngayon anak kumpleto tayo kasama ka namin ng mommy mo, maniwala ka man sa hindi masayang masaya na ako, sobra na kung makita ka naming nakangiti (na dalawa pa ring maliliit na ipin ’),” patuloy ni McCoy.

Credit: @elissejosonn instagram

Ang mga ngiti ni Felize ang nagtatanggal sa pagod nilang dalawa.

“Salamat sa mga ngiti mo tuwing naipapakita mong masaya ka sa amin, parang kami ang laging ang may kaarawan,” saad pa ng aktor.

Credit: @elissejosonn instagram

Unconditional love naman ang promise ni McCoy sa kanyang anak.

“Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yun anak. Ang tanging regalo ko sa ngayon anak ay pagmamahal na panghab@ngbvhay… pangako yan,” mensahe pa niya.

Credit: @elissejosonn instagram

Sana daw ay mabasa ito ni Felize pag tumanda na ito.
“Sana pag tanda mo mabasa mo to at nakangiti ka. Ito ang patunay na sa unang taon mo dito sa mundo, lahat lahat gagawin ko para mapasaya ka lang anak,” pahabol pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

The post Tignan ang simple ngunit napakagandang birthday celebration ni Baby Felize appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments