Anne Curtis at Baby Dahlia, kinagiliwan ng mga fans dahil sa kanilang cute na cute na twinning outfit

Sa maraming kaparaanan ay mai-enjoy natin ang presensya ng ating mga minamahal. Mapa bongga man yan, o simpleng pagkikita lamang. Ano pa man ang mga iyon, hindi makakaila na talagang nabibihag tayo nang kanilang galak na tangan tangan nila pag sila naririyan.

Credit: @annecurtissmith instagram

Gaya na lamang nang simpleng larawang naipost ni Anne Curtis sa kanyang official Instagram account, “Twinning… Again” sabi nga nito sa kanyang caption.

Credit: @annecurtissmith instagram

Makikita sa larawan ang mag ina, buhat ni Anne si baby dahlia na nakabungisngis samantalang si Anne ay tila abot tenga ang ngiti. Mapapansin nga kaagad ang kanilang parehas na kasuotan na kulay mustard na bagay na bagay sa kanilang background na body of water— summer na summer ngang talaga ang dating.

Credit: @annecurtissmith instagram

Parehas din ang dalawang nakasuot nang kani-kanilang kwintas, si Anne ay naka pearl necklace samantalang si Dahlia naman ay naka isang simple and color brown wood na kwintas.

Credit: @annecurtissmith instagram

Kuhang kuha nga din ni Dahlia ang pagiging charming na masasabi nating galing sa kanyang mga magulang na parehas na masasabi nating may maibubuga sa kagandahang babae at lalaki. Mapapansin nga namang talaga ang hindi makakaligtaang detalye sa mukha nito—ang mata ni Dahlia na masasabi nating nakuha nya sa kanyang papa na si Erwan Heusaff.

Credit: @annecurtissmith instagram

Tunay nga na napakaraming kaparaanan para mag enjoy kasama nang ating mga mahal. Gaya na lamang ng ginawa ni Anne na nag twinning lamang nang kanilang outfit for the day nang kanyang anak na hindi nga tayo dinisapp0!nt dahil nag dala ito sa atin ng mga ngiti. Sino ba namang hindi ngingiti kung ganoong ngiti ang ibungad.

 

Si Anne Curtis ay isang Filipina-Australian actress, model, television host, entrepreneur at isa ring recording artist. Naka tanggap na nga ito nang marami-raming award sa kanyang career kasama na dito ang dalawang FAMAS Awards, Luna Award, dalawang Metro Manila Film Festival Awards, at five PMPC Star Awards for Television.

Credit: @annecurtissmith instagram

Ikinasal sya kay Erwan Heusaff kilala bilang one of the most prominent social media personalities at media influencers dito sa Philippine media industry. Mas kinilala nga sya sa kanyang YouTube channel, kung saan ay nag luluto ito at nag babahagi food-related videos.

Sinasabi nga din nya na kino-consider nya ang sarili bilang food-lover, na makapag papaliwanag nang kanyang mga video sa mga social media pages nito.

The post Anne Curtis at Baby Dahlia, kinagiliwan ng mga fans dahil sa kanilang cute na cute na twinning outfit appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments