Asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli, masayang nagdiwang ng kanyang ika-32 taong kaarawan

Lubos ang pasasalamat ni Matteo Guidicelli matapos ang kanyang kaarawan noong weekend. Sa kanyang Instagram post noong Linggo, March 27, ibinahagi ni Matteo ang ilan sa mga larawan na kasama niya ang kanyang asawang si Sarah Geronimo.

Nagpasalamat silang dalawa sa lahat ng mga taong nagparamdam ng pagmamahal sa kanyang 32nd birthday.

Credit: @matteog instagram

“Every year gets better and better! Thank you to my loving wife and my family for all the love anyone could ever WISH for! And big thank you to everyone for all the birthday greetings!! Really appreciate it!!,” pahayag ni Matteo.

Credit: @matteog instagram

Noong nakaraang buwan, nagdiwang si Matteo at Sarah ng kanilang second anniversary bilang married couple. Matatandaang ikinasal ang dalawa bago ang pandemya sa isang secret ceremony sa Taguig noong February 2020, matapos maging couples sa loob ng halos anim na taon.

Credit: @matteog instagram

Learning process daw ang pag-aasawa. At para kay Matteo, ngayon daw ay marami siyang natututunan sa kanyang asawa na araw-araw ay amazed siya sa kanya.

Credit: @matteog instagram

“You’ll never know your wife or your partner, you will always learn more and more about her every single day and I think that’s something very, very true. Two years pa lang kami but I appreciate the ups and downs everyday,” lahad ni Matteo.

Credit: @matteog instagram

May mga usap-usapan din at speculations na bvntis daw si Sarah sa kanyang mga viral photos na magkasama sila ni Matteo. Pero, ayon kay Matteo ay hindi totoo ito. Excited na lang din ang lahat sa magiging anak ni Matteo at Sarah.

Credit: @matteog instagram

“S3xy nga ng asawa ko ngayon eh. Hindi, ano lang ‘yan, hangin lang ‘yan sa bundok,” kwento ni Matteo.

Credit: @matteog instagram

Sa ngayon daw ay gusto munang mag enjoy ni Sarah at Matteo bilang mag-asawa. Ayon sa kanila, each moment daw ay talagang sinisigurado nilang the best ang bawat moment na magkasama sila.
“Enjoyin muna natin ang ang pagiging asawa. Enjoyin muna namin ang isa’t isa. Hopefully soon,” saad ni Matteo.

The post Asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli, masayang nagdiwang ng kanyang ika-32 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments