Anne Curtis, nagbahagi ng napakasweet na litrato nila nina Erwan at Baby Dahlia

Ang mga ngiti ay iba nga ang dala sa ating mga nakakakita at binibigyan nito, lalo pa kong ang dahilan ay ikaw na tinuturing na mahal sa buhay ng isang tao. Lahat tayo nasubukan na nga ang ngumiti na ang dahilan ay mga taong mahalaga sa atin.

Credit: @annecurtissmith instagram

Pagkat sino ba namang hindi nalang bigla mapapangiti kung ang nasa isip mo ay yong mga taong lagging nagbibigay sayo ng galak, kahit pa ano ang kanilang gawin pagkat mahal mo sila at dam among ganoon din sila saiyo, mapapa hash tag feeling blessed ka ngang talaga.

Sa isang post nang isang Filipina-Australian actress, model, television host, entrepreneur at recording artist na si Anne Curtis Smith sa Instagram account nito ay nagpaabot ng pagbati ang aktres sa kanyang asawa na si Erwan Heusaff sa kaarawan nito noong January 10, 2021.

Credit: @annecurtissmith instagram

Ngunit naipost nga ito ni Anne nang tapos na ang kaarawan nang asawa, Home is wherever we’re with you. Belated happy birthday @erwan. We love you to the moon and back.”, sabi sa caption ni Anne.

Sa litrato nga na naipost nang aktres ay makikitang sobrang saya ng pamilya, dahil ang mga ngiti nang mga ito ay priceless. Buhat ni Erwan sa kabilang braso ang kanyang anak na todo smile din na si Dahlia, sa kabilang parte ay naroon naman si Anne na nakahalik sa pisngi ni Erwan.

Credit: @annecurtissmith instagram

Samantala, ang birthday boy ay sayang saya na halatang ini-enjoy ang moment kasama ang kanyang mag ina. Marami nga sa mga netizen ang nagpaabot ng pagbati kay Erwan, ang iba ay napako ang tingin sa cuteness ng kanilang anak na si Dahlia, ang ilan naman ay napa “aww” dahil sa pagiging sweet nila sa litrato palang,

Credit: @annecurtissmith instagram

 

Si Anne ay isa sa mga kilala lang aktres na nakatanggap ng maraming papuri at awards throughout her career, kasama na dito ang dalawa nitong FAMAS Awards, Luna Award, dalawang Metro Manila Film Festival Awards, at limang PMPC Star Awards for Television.

Kasama pa dito ang pag nominate sa kanya nang dalawang beses sa Gawad Urian Awards, at wala naman sa PMPC Star Awards for Movies. Samantala si Erwan na kanyang asawa naman famous na youtube star, na nakilala sa kanyang health centric na mga food blogs sa series nitong Fat Kid inside.

Credit: @annecurtissmith instagram

The post Anne Curtis, nagbahagi ng napakasweet na litrato nila nina Erwan at Baby Dahlia appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments