Blooming na mga litrato ni Melai Cantiveros, pinahanga ang mga netizen

Kilala si Melai Cantiveros bilang isa sa mga magaling na host, actress at komedyante sa henerasyong ito. Talaga nga namang lahat ay natutuwa at naguumapaw sa good vibes sa tuwing siya ang nakikita at napapanood sa TV.

Credit: Melai Cantiveros-Francisco instagram

Nakilala si Melai sa kanyang pagkapanalo sa reality TV show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother. Dito ay naipakita ni Melai ang kanyang pakikisama at pakikipagkapwa na siyang naging daan para manalo. Kaya naman, itinanghal siya bilang Big Winner dito.

Credit: Melai Cantiveros-Francisco instagram

Dito niya nakilala ang kanyang asawa na ngayon na si Jason Francisco. Kasama niya si Jason bilang isang house mate at kalaunan ay nagpakasal ang dalawa.

Nabiyayaan sila ng dalawang supling na sina Mela at Stella. Kaya naman, isa sila sa mga celebrity family na talagang tinitingala at iniidolo ng lahat dahil na rin sa kanilang happy family. Pareho nga namang kwela si Melai at Jason kaya naman siguradong masaya talaga ang kanilang pamilya.

Credit: Melai Cantiveros-Francisco instagram

Sa kasalukuyan, focus si Melai sa kanyang career sa showbiz lalo na sa kanyang paghohost sa Magandang Buhay kasama si Karla Estrada at Jolina Magdangal. Makikita naman sa IG ang latest post ni Melai na napakaganda ng kanyang outfit para sa kasal ng kanyang kapatid.

Credit: Melai Cantiveros-Francisco instagram

Talaga namang blooming at naguumapaw sa ganda si Melai sa kanyang IG post.
“At the wedding of my sissyani @mayorajove And @brbssss ,mamaya ko sila ipopost pero shoutOut muna sa aking stylist @icavillanueva for my outfit ♥♥♥,” saad ni Melai sa kanyang IG. Marami naman ang tuwang tuwa kay Melai dahil sa caption ng post. Isa pa rito ay masaya sila na nakita si Melai na talagang glow up sa kanyang outfit.

Credit: Melai Cantiveros-Francisco instagram

The post Blooming na mga litrato ni Melai Cantiveros, pinahanga ang mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments