Kaye Abad, masayang ibinahagi na sya ay nagdadalang tao sa kanilang pangalawang anak ni Paul Jake Castillo

Isang malaking pagpapala ang pagdating ng isang baby sa isang pamilya. Regalo mula sa Panginoon ang pagdating ng isang baby dahil ipinagkatiwala ng Panginoon ang isang bata sa mga magulang.

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

Good news na naibahagi ng mag-asawang Kaye Abad at kanyang asawang si Paul Jake Castillo, na sila ay magkakaroon na ng ikalawang anak. Ibinahagi ni Kaye at Paul ang good news na ito sa social media. Nakakatuwa nga namang makita ito na masaya ang lahat para sa mag-asawa.

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

Parang kailan lang noong buntis is Kaye sa kanilang panganay na anak na si Joaquin. Ngayon, hindi na siya nag-iisa at magiging kuya na siya. Sa post, makikita ang larawan ni Joaquin na napakalaki ng ngiti. Malamang ay sinabi na din sa kanya ang good news na ito.

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

Saad nito sa post na, “Yey! I’m going to be a kuya! #AnotherBlessing.”
Talaga nga namang ma eexcite si Joaquin lalo na at official na siyang kuya.
Bukod sa kanila, masayang masaya din ang mga kapwa celebrities nila Paul at Kaye para sa pagdating ng kanilang bunso.

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

Ilan sa mga nagpaabot ng kanilang mga congratulatory message sa IG ay sina Mariel Padilla, Jodi Sta. Maria, Kitkat Favia, at Dianne Medina. Siyempre, masayang masaya ang lahat para kina Kaye at Paul.

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

Excited na rin sila bilang mga magulang kaya naman siguradong naghahanda na rin sila para dito.
Maging mga netizens ay nagpaabot ng kanilang mga pagbati sa kanila:
“Congrats to both of you. What a lovely family.”

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

“I like Kaye ever since she was started in showbiz she is simple with a beautiful heart. Down to earth wlang kaarte arte” “Wow naman so cute naman at excited naku makita si baby talaga”

Credit: Katherine Grace  Castillo instagram

“Sh0ckssss happy for jake and kayeee cant wait update nyo kami please”
“Boy or girl man yan support and very loved talag siya congrats kaye and john paul”

The post Kaye Abad, masayang ibinahagi na sya ay nagdadalang tao sa kanilang pangalawang anak ni Paul Jake Castillo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments