Dingdong Dantes, hinangaan ng mga fans ng makitang sya ang nagdedeliver ng mga pagkain at bulaklak na business ng kanyang asawang si Marian Rivera

Isa sa mga usong uso ngayon na business venture ay ang food delivery services. Nagkalat nga naman ngayon ang mga delivery services na ito lalo na noong p@ndemya.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Malaking bagay nga naman ang magpadeliver noon para maiwasan ang paglabas para bumili ng pagkain. Mas ligtas nga naman ito dahil hindi mo na kailangang lumabas ng bahay para bumili.
Mas maigi pa ito dahil habang naghihintay ay magagawa mo pa ang ibang mga bagay gaya ng trabaho, oras sa pamilya o maging paglilibang.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Kaya naman, iyan ang service na inooffer ng DingDong PH. Ang DingDong PH ay isang food delivery business na nagsimula lamang sa simpleng paghahatid ng pagkain. At ngayon ay isa na siyang lumalaking negosyo.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Pagmamay-ari ito ng aktor na si Dingdong Dantes. Talaga namang siguradong ma dedeliver ang mga produktong ito sa inyo. Kaya naman, marami din ang mga umaasa dito na makita si DingDong, umaasa na sila ang magiging surprise visit niya.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Sa IG story ng kanyang asawang si Marian Rivera, makikita si Dingdong na mayroong deliver at ito pala ay para sa kanyang asawang si Marian Rivera.
“Special delivery yesterday ☺Muchas Gracias… @dingdong.ph for making sure @floravidabymarian first order was delivered safely! 💕 #InferSaDeliveryBoyAhGuapo! 🤣,” pahayag ni Marian.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Mapapa order ka nga naman talaga dito habang nagbabakasakali na makita si Dingdong Dantes sa personal. Mula pa man noon, mayroong mga napakaswerteng mga bumibili na sumasakto na si Dingdong ang magdedeliver. Hindi ba’t sulit na sulit ang binayad mo sa kanila?

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Sa kabila nito, mas ipinagmamalaki ni Dingdong ang labis na pag-aalaga nila sa kanilang mga empleyado. Samantala, inaasahan naman ang patuloy na paglago ng Dingdong PH, lalo na’t nakilala at mas dumarami pa ang kanilang mga suki at nagpapadeliver.

 

The post Dingdong Dantes, hinangaan ng mga fans ng makitang sya ang nagdedeliver ng mga pagkain at bulaklak na business ng kanyang asawang si Marian Rivera appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments