Derek Ramsey, nagroadtrip kasama si Ellen Adarna at anak nitong si Elias

Isa si Derek Ramsay sa mga kilala at de kalibreng aktor sa Pinas. Talaga namang napakagaling din niyang umarte at gumanap sa kanyang mga naging role noon pa man. Matatandaang si Derek ay nagkaroon ng relasyon sa aktres na si Andrea Torres. Ngunit, kinumpirma ni Andrea at Derek noong Nobyemre na sila ay opisyal ng magk@hiwalay.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

Samantala, sa ilang mga social media post ni Derek ay makikita na nagkakasama sila ng aktres na si Ellen Adarna. Marami ang napapaisip kung bakit nga ba sila magkasama bagamat wala namang opisyal na pahayag mula sa kanilang dalawa.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

Sa isa namang post ni Derek, makikita na magkasama si Ellen Adarna kasama ang kanyang anak na si Elias at si Derek Ramsay. Sila ay nagkaroon ng “road trip” na magkakasama. Noong Biyernes, ibinahagi ng aktor ang isang larawan na kung saan kasama niya dito sa larawan na ito sina Ellen at Elias sa loob ng sasakyan.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

“ROAD TRIP!!!” caption naman ng IG post ni Derek na talaga namang napakasaya, at rinepost din naman ni Ellen. Bukod pa dito, ay mayroon ng mga naunang mga post na makikitang magkasama sina Derek at Ellen. Maging noong Valentines Day ay makikita g magkasama si Ellen at Derek maging ang anak ni Ellen na si Elias.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Buwan din naman ng Enero nang makikitang magkasama din sila Ellen at Derek sa isang resort sa Batangas matapos nilang dumalo sa dinner party ni Ruffa Gutierrez.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Credit: @maria.elena.adarna instagram

The post Derek Ramsey, nagroadtrip kasama si Ellen Adarna at anak nitong si Elias appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments