Philippine Coast Guard station commander ng Guimaras Island, viral dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan!

Viral ngayon ang bagong itinalagang Philippine Coast Guard (PCG) station commander ng Guimaras Island na si Lieutenant Junior Grade (LTJG) Christian Bryan Ignacio dahil sa kanyang napakagwapong mukha at taglay na karisma.

Credit: Louie Jee Gabiota Amante Facebook   

Ito ay matapos i-upload ni Roberto Gaquit Jr. ng Bombo Radyo ang kanyang mga letrato na agad naman nakalikom ng libo-libong reaction mula sa mga netizen.

Nakuha ni Christian Bryan ang atensyon ng maraming netizens lalo na ng mga kababaihan dahil sa kanyang gwapong mukha. Kapansin-pansin ang kagwapuhan ni Christian Bryan sa mga letratong ibinahagi ni Robert.

Credit: Province of Guimaras Facebook

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11,000 ang reactions na nakuha ng letrato ni Christian Bryan at mahigit 16,000 ang shares nito.

Maraming kababaihan naman ang nagpahayag ng kanilang “interes” na maging girlfriend o asawa ni Christian Bryan. Sa katunayan, ay may nagkakaisang sambit ang mga netizen. Ito ay ang mga katagang “proud girlfriend here” o hindi naman kaya “proud asawa here”.

Dahil din kay Christian Bryan kaya maraming netizens ang gusto nang magpunta sa Guimaras para lamang makita siya.

Credit: Iloilo Metropolitan Times Facebook

May ilang netizens din ang nagbiro na gusto umano nilang malun0d kung si Christian Bryan din lang naman ang sasagip sa kanila.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Christian Bryan sa mga sinasabi ng netizens tungkol sa kanya?

Sa isang panayam ni Christian Bryan sa Iloilo Metropolitan Times, sinabi niya nagpapasalamat siya sa mga opinyon ng netizens tungkol sa kanya. Sa kabila ng popularidad na nakuha ni Christian Bryan, nilinaw niya na sa ngayon ay trabaho muna raw ang kanyang uunahin.

Aniya sa nasabing panayam, “Maraming salamat sa ganyang pagsabi ma’am pero trabaho lang tayo ma’am.”

Credit: Iloilo Metropolitan Times Facebook

Mukhang may pag-asa pa naman ang mga kababaihan dahil single pa rin si Christian Bryan at hindi niya sinasarado ang kanyang pinto sa posibilidad na pumasok siya sa isang relasyon. Ayon pa kay Christian Bryan, kapag bumuti na umano ang panahon sa Guimaras ay bukas siya na makipag-date.

Pag-amin pa ni Christian Bryan, “Single pa ako ma’am…Siguro ma’am ‘pag wala ng bagyo siguro at payapa na po ang weather sa Guimaras po. Pwede naman.”

Dagdag niya, “Kung may dumating ma’am, hindi naman hinahanap. Kung may dumating ma’am, andiyan naman.”

The post Philippine Coast Guard station commander ng Guimaras Island, viral dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments