Dingdong Dantes, saludo sa ginawang sakripisyo ng asawang si Marian Rivera para sa kanilang pamilya

Hindi man itinuloy ng Kapuso actress na si Marian Rivera-Dantes ang kaniyang pagbibida sa teleserye na “First Yaya”, labis naman ang ipinakitang suporta at pag-alalay ng kaniyang asawa na si Dingdong Dantes sa naging desisyon ng aktres.

Credit: @marianrivera Instagram      

Ang planong isang buwan na lock-in taping bilang pagsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force, ang naging dahilan upang lisanin ni Marian ang naturang proyekto.

Hindi madali para sa isang ina na katulad ng aktres ang mawalay sa kaniyang pamilya, lalo na sa mga anak nito na maliit pa lamang.

Credit: @marianrivera Instagram

“Kasi, mahirap sa akin naka-lock in, hindi ko makikita ang mga anak. Nagpapadede pa ako kay Sixto, inaasikaso ko pa si Zia sa online class niya.”

Credit: @marianrivera Instagram

Bilang asawa at padre de pamilya, hanga si Dingdong sa naging sakripisyo ni Marian mula sa naramdamang excitement nito para sa proyekto, ngunit makikita na mas nangibabaw pa rin para sa aktres ang makasama ang kaniyang pamilya.

Credit: @marianrivera Instagram

“Alam ko ‘yung pinanggagalingan niya, alam ko ‘yung sakripisyo niya for not saying yes to it because alam ko kung gaano siya ka-excited sa project na ito.”

“Bihira lang siyang gumawa ng TV show sa isang taon pero ramdam ko kapag, ito na, gigil na gigil na siya and all out siya.”

Credit: @marianrivera Instagram

“Apparently, she had to make a very, very difficult decision and hanga ako sa kanya dahil pinili niya ‘to at kung anuman ang pipiliin niya, nandoon ako to support her one.”

At bilang suporta para sa naging desisyon ng kaniyang asawa, hindi rin umano tatanggap ng maraming proyekto si Dingdong.

Credit: @marianrivera Instagram

“By supporting, ‘di lang siguro ako dapat tumanggap din ng (maraming proyekto) dahil, siyempre, kung nandito siya sa bahay, kailangan samahan ko.”

“It’s either that or may times na siguro magdo-double time ako. Siyempre kailangan ko ring kumayod para sa pamilya. Either way, I’m okay to do it.”

Credit: @marianrivera Instagram

“Again, suportado ko siya mga desisyon niya kung anuman ang magpapadali ng buhay niya dahil, siyempre, ngayon pinapalaki niya ‘yung dalawang anak namin so ako na ang bahala sa iba,”

Credit: @marianrivera Instagram

Ikinasal si Marian at Dingdong sa Immaculate Concepcion Cathedral, sa Quezon City noong December 30 taong 2014 at biniyayaan ng 2 anak na sina Maria Letizia at Jose Sixto IV.

The post Dingdong Dantes, saludo sa ginawang sakripisyo ng asawang si Marian Rivera para sa kanilang pamilya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments