Ivana Alawi, muling hinangaan dahil sa ipinakitang kabaitan nang tuparin ang hamon sa kanya at bukal sa loob na i-donate ang kikitain ng naturang video

Bilang pagtupad sa huling hamon sa kanya ni Lloyd Cadena bago ito pum@naw ay nilinis ng vlogger-actress na si Ivana Alawi ang isang bus sa kanyang pinakabagong vlog na inupload sa YouTube.

Credit: Ivana Alawi Facebook   

Sa unang bahagi ng vlog, nagkuwento si Ivana na labis siyang nabigla at nalungkot sa pagkawala ni Lloyd.

Aniya, “Lahat tayo nabigla kasi, biglaan ‘yung nangyari eh. Tapos nu’ng nabasa ko siya kahapon. Parang sabi ko, “Prank ba ‘to?” kasi ‘di ba? Hindi naman natin ini-expect na ganun kabilis ‘yung mga bagay-bagay na biglang mawawala nalang. ‘Yung nalaman kong totoo siya, sobrang nalungkot ako.”

Credit: Ivana Alawi Facebook

Dagdag niya, “Pumunta ako sa kanyang video. Pinanood ko ‘yung huling video niya. Doon sa video na carwash, sobrang na-touch ‘yung puso ko kasi binanggit niya ako. Parang sa’kin hinamon niya ako. Alam mo ‘yung huling hamon. So sabi ko, kailangan ko siyang gawin. Kailangan kahit papaano may nagawa ako in my own small way.”

Credit: Ivana Alawi Facebook

At kahit hindi pa sila nagkikita ni Lloyd, ikinuwento niyang isa si Lloyd sa mga hinahangaan niyang vlogger dahil sa ipinapakita nitong pagmamahal sa pamilya at kabutihan sa ibang tao.

“Alam kong napakabuti mong tao. You will always be remembered. And ang dami mong natulungan. Alam mo ‘yung kahit hindi mayaman si Lloyd eh. Nakikita ko kasi ‘yung mga videos niya. Kahit may utang siya sa bahay niya, mas inuna niyang mamigay ng mga tablet sa mga bata. And sobrang buti niya.”

Credit: Ivana Alawi Youtube

“Lloyd you will always be remembered. You are loved by so many people and you are respected. Antagal mong nasa YouTube. Ikaw ang naging inspirasyon ko dati dahil nakita ko napakalapit niya sa pamilya niya. Napakabuti niyang tao tsaka mapagmahal.”

Nangako rin si Ivana na lahat ng kikitain ng video ay mapupunta sa pamilya ni Lloyd.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Aniya sa isang Facebook post, “Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito. Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.”

Samantala, ilang oras pa lang ang nakalipas matapos inupload ni Ivana ang kanyang “Buswash Para Kay Lloyd Cadena” vlog ay nakahakot na ito ng 1.9 million videos.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Maraming netizen din ang natuwa at humanga kay Ivana dahil sa kabaitan nito.

“Proud of you ivana for accepting the challenge, i know whenever kween LC right now he’s happy watching you. Godbless you more IVANA.”

“Imagine ate Ivana did this,though hindi pa sila nag meet in person. Such a precious heart.”

“I admire u miss ivana…you r so bless by having that kind of heart…godbless you more..”

The post Ivana Alawi, muling hinangaan dahil sa ipinakitang kabaitan nang tuparin ang hamon sa kanya at bukal sa loob na i-donate ang kikitain ng naturang video appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments